Martes, Nobyembre 13, 2012

TRIP TO BICOL,the ordinary bus experience

I'm sure pagtaasan naman ako ng kilay kung sabihin kung ngayon lang ako nakasakay ng ordinary bus. I had experiences before but that was years ago at ngayon lang uli na-refresh ang utak ko kung ano nga ba ang kalakaran sa pagsakay ng ordinary bus.

Straight from the airport, we alighted at the bus terminal. Ang saklap! 400 lang 'yong airfare namin at 400 din ang pamasahe ng bus. But we were running out of time and have to be in Bicol in the morning, so we catch the earliest to leave. Heto alam ko na talaga na usually,mabubuwisit ka agad sa mga porter, so I won't allow them to touch my bags. Oras na pinahawakan mo sa kanila,sisingilin ka agad. At hindi uso ang tumanggap ng barya dito.

Ayun okay na, we bought the tickets without checking the bus. It was a 3x2 seater bus and seats can't be reclined. I was hoping that there would be no more passengers arriving since the bus will leave in 20 minutes. Of course, less passengers would mean more room for us. The bus left on the dot but on the short span of time we were at the terminal, vendors kept going up and down. And they weren't few, i can't even count it with my fingers.

Sa pagka-alala ko ganito kadami ang umakyat at nagkumpulan sa maliit na aisle ng bus.

3 na nagtitinda ng mineral water ('yon lang talga tinda nila na item)
3 na nagtitinda ng softdrinks,C2, gatorade
2 na nagtitinda ng apples at ponkan
3 na nagtitinda ng kiat-kiat
2 na nagtitinda ng candies
3 na nagtitinda ng shorts pambata
1 na nagtitinda ng towel
4 na nagtitinda ng shades
1 nagtitinda ng duyan
3 na nagtitinda ng burgers
2 na nagtitinda ng mani
1 nagtitinda ng buko salad (ice candy pala)
1 nagtitinda ng belt

winner 'yong nagtitinda ng belt at pa-effect ang marketing strategy niya. to quote,
" hindi po ako nandito para pilitin kayo na bilhin ang produkto ko.Magdi-demonstrate po ako para makita ninyo kung gaano kaganda ang quality ng tinda ko. Pwede po ninyo i-testing at walang bayad kung masira ninyo man. 280 po ito pero dahil on test market lang kami, ibibigay ko ng 120, at buy one take one".

Natatawa sana ako lalo at member ng third sex ang nagbebenta at may accent,kaya lang nasa harapan lang niya kami.

Paghinto sa Alabang terminal madami pa nadagdag na pasahero at marami din ang mga vendors uli. Medyo mas organize sila at may uniform pa. Ganoon din ang eksena ng huminto sa Turbina terminal. Dito naman nadagdag 'yong mga nagtitinda ng buko pie, ube at macapuno candies, at espasol. Hindi rin bumaba sa sampu ang umakyat sa mga bente minutos na hinto niya.

May umakyat din na nagbasa ng Bible at kahit bandang Quezon na, madami pa din akyat-baba na vendors.

Nakakainis lang din mga pasahero na naninigarilyo pa sa bus lalo may mga oras na kelangan isara ang bintana at umuulan.

Salamat na lang na maganda ang kalsada kaya kahit hindi masyado komportable ang upuan, napagtiyagaan din. Ang di ko lang maiintindihan ay mga kainan na nagpapabayad pa ng paggamit ng restrooms. Buti sana kung kaaya-aya ang mga pasilidad nila. Kelangan mo pa magbuhos, walang toilet seat, at nakakatawa lang na ang mga lavatory may nakasulat pa na ,"bawal buhusan ng tubig". Ano 'yon display?

Inabot kami ng thirteen hours from Manila to Daraga.
Sa mga bakasyunista na nag-iisip na sumakay ng ordinary bus, magdalawang-isip muna, or better take it kapag papunta pa lang para di mo maramdaman ang pagod kapag excited pa. Baka kung sumakay ka pabalik ng Manila, isumpa mo pa na napunta ka sa Bicol.

Lesson learned, always plan your travel ahead of time.



1 komento: