few days to go at Christmas na pala...
siyempre hindi na tulad ng bata pa ako na super excited lagi mag-Christmas kasi it means may regalo. or noong nag-aaral pa na ibibili ng bagong damit kasi may Christmas party. excited din siyempre ako noong nagkawork na. kasi meron bonus.
eversince naman feel na feel ang pasko dito sa amin dahil katabi lang ng simbahan. ang saya ng feeling lalo na after ng mass ng Chritmas eve na makikita mo lahat ng tao parang ang saya saka kumakanta ng Christmas song.
mas exciting na part noong teenage years ko 'yong simbang gabi. kasi talagang araw-araw i did my best na gumising ng maaga kasi baka makita ko crush ko. masaya 'ata ako ng Christmas na 'yon kasi naging close kami ng crush ko na in fairness naman crush din pala ako, hehehe...history na lang 'yon. funny, all through those years naniwala din ako na kapag nacomplete mo 'yong nine days iga-grant 'yong wish mo...meron naman natupad at least for that year pero siyempre mas madami 'yong di nagkaroon ng katuparan.
happiest Christmas... wala na ako maalala masyado. siguro 'yong bata pa ako at ako nanalo ng malaking junk food sa parlor games.
memorable Christmas... the year before we got married and we celebrated it together,just the two of us, away from our respected families. kumpleto ang noche buena at kuwentuhan lang kami buong gabi.
sad Christmas... parang ang pangit pakinggan ng malungkot na pasko. na-feel ko 'yon nong the year we were suppose to marry. buti na lang may consolation naman na i just have to wait for a month para sa wedding namin.
nice girl din naman siguro ako kahit papano kasi ibinigay na sakin 'yong gift na lagi kong hiling after i turned 18. to have that someone really special...medyo natagalan pa kong mag-antay pero worth naman.kaya siguro cris talaga ibinigay.
siyempre madami 'yong mga nagdaang pasko na di ganon ako kasaya kasi wala siya sa tabi ko. siguro only people who had experienced living away from each other ang makakaintindi how is it spending Christmas away from the one you love.
i really looked forward for this season this year since he's here with me. pero heto near yet so far ang drama namin. 'andito na naman ako sa feeling na parang di pasko. parang one of those days. and really don't want to feel bad about it. this is the time of the year i hope i could be wearing a happy face...relax...relax...relax...sabi nga niya. and i still can't.
" i wish we could put up some of the Christmas spirit in jars and open a jar of it every month."
Harle Miller
ayan nakangiti kami lahat.
sana nga puwede itago 'yong Christmas spirit especially the ones we felt during our childhood. sana mas madali maging masaya.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento