Huwebes, Setyembre 13, 2012

i love you bens!


 na-inspire ako kasi bestfriends kami ngayon ni bens after na ubusin niya ang favorite jolly biscuit ko at makihati pa sa violet cream loaf ko...
sabay nauto ko pa na magkuhanan kami ng picture.

ako ang ultimate kaaway niya at naiirita siya kapag madami akong sinasabi na paulit-ulit. "maribokon ka man" ang lagi niya reklamo. at hindi na daw siya baby,bata na siya kaya wag ko na siya hawak-hawakan at halikan.

"hindi ka si kim chiu!", madalas naman niya sabihin kapag nag-iinarte ako. meaning na hndi ako maganda kasi mga skinny lang na tulad ni kim chiu ang maganda para sa kanya.at siya daw si gerald anderson.

siya din mahigpit na bantay sa diet ko,"tabatsoyon" na daw ako,kain pa ako ng kain.

dapat daw mag-work na ako para yumaman na din ako. siya nga daw kaya nag-aaral ng mabuti para makahanap ng work paglaki at yumaman din siya tulad ni mama.
take for granted niya madalas ang existence ko,naaalala niya lang na kailangan niya pala ako kapag punta siya ng cr at kapag wala siya kasama sa kuwarto

pinaka-grabeng away namin ng kagatin niya ako sa kamay na nag-iwan pa ng peklat.

"mahal mo baga ako tita ris kasi nong bata pa ako inalagaan mo ako" sabi niya kapag nakikita niya pictures namin na magkasama. pero kapag kunukulit ko siya araw-araw at sinasabing mahal ko siya, si tito cris na lang daw ang mahalin ko,wag na siya.

baka daw makalimutan ko siya kapag nagpunta siya ng manila kaya binigyan niya ako ng picture.itago ko daw yon.

kelangan ko i-google at pakita sa kanya kung ano yong duling at supot para di niya lagi ginagamit pang-asar sa iba.

siya ang pinaka-matinding test of patience para sa akin. at kahit aso't pusa kami madalas, vince will always have my infinite love.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento