Miyerkules, Setyembre 12, 2012

the lazy song


Today I don't feel like doing anything
 I just wanna lay in my bed 
Don't feel like picking up my phone, 
so leave a message at the tone 
'Cause today I swear I'm not doing anything.

'yon pala ang lazy song.mabuti at kilala ko na din si bruno mars.naiwan na ako sa mga songs ng '90s, nong head over heels pa ako kay bamboo, noong  kinikilig pa ako sa kantang "nanghihinayang" kasi kanta sakin of someone, at sa walang kamatayang just once, maybe this time, the search is over, kasi paborito ng mga college friends ko.... kaya wala na akong alam sa mga bagong kanta.i became an ultimate killjoy after i hit 30.

nong marinig ko 'yong line na 'yon, para lang kasi naiisip ko 'yong the lazy me...it's a weekday and yet, para lang ako araw-araw na nakabakasyon. hindi naman sa nagrereklamo kasi i love my life now than ten years ago. nakaka-miss lang din ang gumising ng maaga, magshower ng malamig  (wala palang shower sa room noon) , makipagsiksikan sa LRT, at magtatakbo sa may SM Manila kasi tumutunog na 'yong malaking relo sa city hall kaya late na ako.

miss ko na din 'yong pag-aantay namin ni susy ng a-kinse at katapusan para sumuweldo. saka lang kami papasok sa loob ng SM,otherwise sa labas lang ang daan namin kapag ordinary day.

namimiss ko din ang walang katapusang pag-english ko kasama ng mga Koreans, at walang katapusang Ilonggo naman ang naririnig ko sa paligid. nakaka-miss 'yong sobrang pagod ko sa araw-araw na pag-aasikaso ng kung-anu-ano. and at the end of the day, while i'm munching something from a nearby panaderia de molo, i'll be watching TV Patrol Iloilo, Ilonggo na naman.!

minsan nami-miss ko  din kung gaano ako kinakabahan sa araw-araw na baka magkamali na naman ako during my brief stint in Sucat. sa apat na rides ko to and from work, wala akong ibang iniisip kundi sana okay ang araw na ito or else ako ang lagot. and i so hate that feeling na tuwing tutunog ang phone ko, parang ayaw ko na tingnan ang caller. until now,kapag naririnig ko 'yong ringtone ko noon na "if i were a boy" para pa din akong hihimatayin sa kaba.but i miss the pressure that keeps my mind busy.

sabi nga ni Cris, hindi naman ako tamad, i love working, pero ewan ko kung bakit i had to jump from one job to another. siguro dahil  eversince hindi naman ako career oriented. i just dream of being a housewife then. just writing at home while attending to my kids. nagustuhan ko na din ang pag-oopisina pero i always dreamed of having the luxury to leave my table if ever i want. siguro aminin ko man o hindi ,i always wanted to be the boss.

it was a make or break decision to come up with our own business. may mga oras na itatanong ko pa din sa sarili ko if it's all worth it. mabuti na lang din at nandiyan si cris na tagapag-paalala na dalawa kami sa desisyon na 'to. na kahit mahirap itong naumpisahan namin, sa ganoon naman nag-uumpisa ang lahat.

now that i have all the time in the world saka ko nadiscover din na ang dami-dami ko pa palang kayang gawin. dati ayaw ko humawak ng halaman sa paniniwalang wala akong green thumb. ngayon kahit hindi ako mapakali sa kaliipat-lipat ng mga tanim ko, nabubuhay naman. interior design sana 'yong pangarap kong course pero wala akong resources to study that. sa ngayon i can spend time studying it online. kaya ko pala magpintura ng buong bahay, magkarpintero minsan, mamili ng mga gamit sa hardware, magsupervise ng trabaho at makipag-argue sa trabahador knowing i am right kasi i did my research.

the space mommy left was too big to fill, pero dahil madami na ako natutunan sa kanya, i now know how to run a household. there's still a lot to learn but i have all the time.

http://multiply.com/mu/rishaporras/image/cE8460x5p512M3mdr9zeHg/photos/1M/300x300/8051/page.jpg?et=tRwzCttTavdHeBIjz0n8aA&nmid=0
i am thankful too na kahit papaano while i am earning a little i am of help too to my customers. sabi ko nga hindi naman ako nagmamadali sa pagyaman kaya fair lang. siyempre, sino ba ang hindi mangangarap to go bigtime. but i'll be taking steps one at a time.



banaba tree

 sa ngayon i am blessed. kasi i can stare at these violet flowers for an hour, at wala akong boss na magsusungit o aalahaning oras. i can do things at the same time and i can rest when i know i'm tired. gigising pa din ng maaga but i have a choice if i'd rather stay late in bed. araw-araw sariwang hangin, maririnig mo ang huni ng ibon na dati pangarap mo kapag nagbabakasyon. i don't fancy malls anymore kaya kahit inaabot ng buwan bago ako makatungtong, i don't feel the need. wala na din kasi dahilan para magshopping ng damit at sapatos and flaunt it with officemates. of course, there are days when i'll dress up too but then you'll do it for yourself and not to compete with anyone.and most of all, i've never been this peaceful to be around with family than those times i've lived alone. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento