Biyernes, Setyembre 14, 2012

summer.summer 2012

Summer won't be complete without going to the beach. On supposed to be mommy's 61st birthday we headed to Pitogo beach resort in Pilar, Sorsogon. Luckily, we were early kaya inabutan namin 'yong  time na pinapastol ang mga baka. Ang sarap mag-daydreaming tulad ng mga nababasa ko sa romance novels na nasa loob ka ng isang asyenda. Hindi nga lang tipong Prince Charming 'yong nasalubong namin na sakay ng kabayo,hehehe. Meron din silang ostrich at mga ibon na pinagkatuwaan namin.




Siyempre pa ,mga bata ang tuwang-tuwa sa dagat.  Wala 'ata sa bokabularyo nila ang umahon kapag nabasa na sa tubig. Tipong paitiman ang goal nila. Kakatuwa din ang bonding time nila and here's hoping na madala nila ang closeness pagtanda nila. I remember my cousins and I on the mom side having our outing often when we were younger. At masarap balik-tanawin 'yon.






Mawawala ba naman ang pose? Siyempre iyon lang ang kaya ko gawin at hindi naman talaga ako mahilig magswimming lalo sa katirikan ng araw.






Pero di naman padadaig si Nikki basta sa picture taking. Mga isandaan munang pose bago siya makuntento.



Memorable din ito kasi first time ni Brenty na maligo sa dagat. Siya na ngayon ang star sa bawat lakad namin. At ang sarap makipag-pose kasama siya.





It was fun,fun,fun wit the whole gang. Sana nga matupad 'yong dream namin na next time around sa medyo malayo naman na destination kami gagala at mag-enjoy.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento