Linggo, Setyembre 2, 2012

It's Jam's Birthday



March 2000 nang una kaming mag-meet. From among the 25 co-stewardesses kami ang nag-click. We got nothing in common but the fact na pare-pareho kaming Bicolana. Somehow, ang pagkakaiba ng aming mga personality ang nakatulong para tumatag ang friendship na nabuo sa pagitan namin. Sama-sama kami noon sa pagpapalipat-lipat ng boarding house, sa pagtataas ng kilay sa mga intrigera at mga maldita, at siyempre magkakasama din namin na tinikman ang mga unang sandali ng aming buhay-Maynila.

Kadramahan man na sabihin pero hindi talaga naging ganon kadali ang buhay na malayo kami sa kanya-kanyang pamilya. To add, hindi rin naging ganon kadali ang trabaho. In fact, sa workplace namin naranasang umiyak, magutom, magpaalila to some extent, at kumayod nang sagad sa murang edad.

Pero madami din namin kami na naging masasayang sandali kahit noong mga unang araw na salat na salat pa talaga kami sa buhay. Madalas na di matapos-tapos ang kuwentuhan kahit lahat pagod sa biyahe at trabaho. Siyempre pa favorite topic namin ang ibang tao. It was not being mean pero sa gaanong environment hindi maiwasan na madami talagang masarap punahin at pagtawanan. The good thing though, natuto din kami sa mga nakikita namin sa iba. We were a bunch of immature girls, madalas ko sabihin noon. Di marunong mag-isip ng bukas, at sasabihin ang gustong sabihin, gagawin ang gustong gawin, tutal andiyan naman kami para sa isa't -isa.

Na-heighten ang excitement sa buhay namin nang matuto na kami ma-inlove. Ewan kung pressured lang o iyon na talaga ang right time. Madalas kasi kaming punahin din dahil kami lang ang wala pang boyfriend that time. And yet, the irony of it, madami din ang nagsasabi, behind our back siyempre, na may mga anak na kami. Pasensiya na, mas losyang kami noon compared ngayon,hehe.

Kasama na siyempre pagpasok namin sa relationships ang pagdating naman ng ibang level ng problema. Masyadong madrama na para pag-usapan pa sa mga panahong ito. But I'm happy to say na dahil sa mga pinagdaanan namin, we can say naman na, now we are leading a more comfortable and happier lives. What made our friendship really strong of course, especially me and Jam was the fact na we married men who happens to be friends too. And that they share the same profession kaya we have many things to talk about talaga. Nasanay na din kami kay Nepie na minsan-minsan lang nagpaparamdam, but we never took it against her. Ganon lang siya but she remains a darling.

.
Kasama din siyempre sa kuwento ng friendship namin si Ate Lhet who became one of us. (Sorry , Ate Lhet, nawala 'yong picture after reformatting kaya wala ako mailagay.) She was our landlady na nakayang i-tolerate mga 'kagagahan' namin, that's why it was in their home that we stayed for years. Besides being a trusted confidant, she was really an 'Ate' in many, many ways sa amin. Of course, we can never forget too Kuya Bernard at ang madaming moments na inasar, pinatawa, at ininis niya kami.
Eight years na nga pala ang dumaan sa amin. Siguro nag-mature na rin ng konti pero ganon pa din minsan bitchy pa din towards others pero sabi nga madalas ni Jam , mabait din sa taong mababait sa amin. From time to time sumasagap ng tsismis from one another pero na-outgrow na namin siyempre 'yong “panlalait” sa iba. Wala na kasi si Nepie na mas magaling sa descriptive words,hehe. Kidding aside we are bunch of nice people.

I'm looking forward na magkasama-sama ulit kami like the old times. Siyempre 'yong dalawa may baby na pareho at ako until now “ninang” pa din ang role. Dami ko nang utang sa mga anak nila. Pababawiin ko na lang sila kapag sila naman naging ninang.


Happy Birthday Jaming!!! Opps! Jam pala...newei, you can call me Doring too and i'll never mind. Diyan ko namimiss si Nepie at siya ang mahilig nagbigay ng pet names. I know how happy you are now. I'm happy too of how you've grown into a very fine woman and I'm proud to have you for a friend. Needless to say, I shall remain by your side always. You can always trust me with your little secrets, baka kay Cris ko lang ikukuwento,hehe. Don't worry, there will never be secrets between us. And even if we didn't became next door neighbors tulad ng napagkasunduan dati, we are family friends naman. You and Arnold will always be the first one will run too when we are out of cash,hahaha!!

We are here for you all the time

 All the best for you!

sort of mini reunion namin last July minus Arnold, he was on the phone though. I was really surprised of how big rein had become. Miss na kita "dark man"


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento