Linggo, Setyembre 2, 2012

ang kuwento ko ng bagyong Frank


June 24, '08 10:18 PM

As usual Friday night, manoood ako ng “Maalala mo Kaya” and the rest of the programs that follows habang inaaantay ko din ang tubig na lagi na hatinggabi kung dumating. Though siyempre that night I was a bit worried because Bicol was in typhoon signal number three. Para sa akin a bit lang kasi my family lives in a community comparably safer than the rest of the barangays in Daraga. And of course, my siblings had texted me that there was really nothing to worry about. Siguro dahil lumaki din ako sa Bicol na frequent talaga ang bagyo kaya kahit medyo lumalakas ang hangin hindi pa rin ako nabahala. I have witnessed strong ones, at ‘yong kasalukuyan na bumabayo sa Iloilo was something not alarming if I was in Bicol. At panatag ako kasi alam ko naman na on Signal number one lang kami dito.

The power went off as soon as get on the bed, so I just slept with wide smile knowing that I can wake up late. True enough nagising ako past lunchtime na. I went on with the same routine, na kakain tapos maglalaba. It was until my friend Susy texted me, that I had idea that Iloilo’s situation was getting worst. And I really had no idea that, with that nature of wind blows and rain, the rest of the city and province would be in trouble. Of course, I still can say that during that time because luckily I live in a flood free area. There were instances when water got inside my room too pero hanggang doon lang ang idea ko ng baha. ‘yong tipong mababasa lang ang paa ko pag-alis ko ng higaaan.

Wala talaga sa hinagap ko na pupuwede pala na umabot ang tubig sa ibang lugar dito ng hanggang leeg or lampas pa ng bubong. It was Monday when I went home to Passi, and when I passed by Jaro, saka ko lang din nakita kung gaano kalaking damage ang ginawa ng bagyo. Nakita ko na halos putikan lahat ng bahay. Naisip ko na kumuha ng mga litarato, but I just can’t find enough courage to do that. There were just so many interesting shots I could have had, pero wala akong gana. Ganon talaga, ayaw ko ng malulungkot, ng miserableng litrato.
Hindi siguro rin puwede na ma-capture ng camera kung gaanong pinsala talaga ang tinamo ng buong siyudad. Alam ko na mas mahigit sa emosyonal ‘ung maiiwan sa kanilang pinsala. Ang dami-daming kuwento, bawat isa may sariling bersiyon.

Oo nalulungkot din ako lalo siyempre apektado rin ang pamilya ko dito, pero hindi ko maiwasang di isipin na mas masuwerte pa rin ang mga Ilonggo. Sabi nga ng karamihan, ngayon lang daw nangyari ito. Siguro makakagaan sa loob nila na isipin na sa Bicol halos taun-taon, kailangan pagdaaanan ang mga ganitong tagpo, and yet, patuloy pa rin na bumabangon. Na masuwerte sila na sa liwanag ng araw nangyari ito kaysa sa amin na kadalasan sa gabi at mangangapa sa dilim. Masuwerte pa rin sila, kasi kahit maging putikan man mga bahay nila, pagkatapos linisan meron pa rin silang tahanan kaysa sa amin na madaming tuluyan ng nalibing ang mga tahanan kasama ng libong mga buhay.

Aaminin ko na nakikisimpatya ako sa pangkalahatan pero mas malamang ang feeling of relieve sa akin in knowing that Bicol is okay. Siguro first and foremost I am a Bicolana. And I don’t want to feel guilty kung bakit ‘yon ang nararamdaman ko. Siguro in a way it’s also a call para sa mga tao dito na mag-ingat na at paghandaan ang mga oras na muling magbabadya ang unos. Na ispeed-up na ‘yong flood control project na baka nagpagaan sana sa sitwasyon. At sa ibang mga towns na magbalangkas na ng mga hakbang para maiwasan ang ganito.
But I know sooner life goes back to normal for everyone here. At magandang isipin na lang na maraming aral ang iniwan ng nagdaang bagyo.
On a personal note, somewhat naging deciding factor din sa amin ang nangyari para sa future. At least ngayon alam na namin na puwede pala mangyari ang ganito dito sa lugar na pinili namin manirahan sana habangbuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento