Linggo, Setyembre 2, 2012

i'll be missing this city!



Oct 30, '08 4:15 AM


 
Hindi ko gusto magpakasenti- kasi masaya at excited ako sa decision namin to leave for Manila pero in a way mami-miss ko din ang city that became our home for the past two years. So ironic that we thought about this option while we were waiting at the airport in Manila for our flight back to Iloilo two months ago. Siguro it is an advantage too of not having a baby yet, the decision became easier. What became difficult was the realization that we have to carry again heap of luggages back.

Anyway, now that we are about to leave, I began to appreciate again things that I have loved when I came to live here. I love the comfort that the city offers, you know malls and restos in proximity, without the noise, air pollution, and traffic. The only time traffic became a real headache here was when the fly over was under construction. At naisip ko na iyon ang isa sa mamimiss ko, kasi feeling ko kasama ako sa history ng pag-built ng first ever in the city kasi kasama din ako sa nag-endure ng sobrang traffic during its construction. I especially love riding jeepneys on weekends when the street is just so peaceful. Of course, mami-miss ko din ang jeepney type dito kasi favorite kung sumakay lalo na sa front seat at ang daling umakyat-baba. Saka siyempre ang pagsabi ng “sa lugar lang” at “palihog”.

I will miss the many times na nilalakad ko lang ang buong Calle Real, most of the time I came from SM Delgado all the way to the Bureau of Immigration at the back of Freedom Grandstand. You bet, imbes na ma-exercise ako mas lalo ako tumaba, kasi ang ending no'n, hindi ako makatiis not to drop-by at Roberto's. I'll have my burger and siopao there at magtitake -out ng chicken sotanghon or pancit canton. And because I used to live alone, obligado ako lagi na ubusin. Mami-miss ko din ang chicken sandwich sa JD @ 49pesos. It was full meal for me kaya I can have only that for lunch. I even brought one when I went home to Bicol. We were on a connecting flight kaya di naman siyempre mapapanis. Ever favorite ko din dito ang beef steak sa Dapli, right in front of SM Delgado. Isa pa sa mami-miss ko din 'ung Valenciana na all time favorite talaga ng mga Ilonggo kapag may handaan. Saka pala 'ung pancit Molo dito sa bahay. Hindi ako masyado fan ng chicken inasal because I rarely eat chicken. Pero gusto ko din 'ung chicken binakol lalo na 'ung sa El Jardin sa Ajuy. Oh! I will miss going there and seeing those breathtaking sights.

luto ni ate nena,our land lady..i'll miss her cooking.kaya ako tumaba dito dahil sa mga luto niya

@ culasi, ajuy, iloilo

Hmmm, need I say mami-miss ko din ang daan pauwi sa Passi. Beyond compare talaga, kasi lagi ko iniisip kung saang national road na ba ako nakadaan na ganon katindi ang lubak for the longest time and I couldn't think of one. (wow just pass the other day and bongga ginagawa na ang kalsada.) In fairness, mami-miss ko din 'yong mga nadadaanang malalawak na palayan at tubuhan. Siyempre , panay naman niyugan ang nakagisnan ko. Isa pa sa hidlawon ko gid ang mga nagapanawag sa akon nga “guapa”,hehehe.



I will miss saying “What a lovely day!” I really love the blazing sun here and the formation of clouds which is just so awesome. My office before has quite big open field, and I had all the luxury of time to sit outside and enjoy the great view. Parang pang-painting lagi ang natatanaw ko.




Mami-miss namin ni Crissy for sure ang pag-attend ng 5:15 Anticipated Mass sa Sto. Nino Chapel kasi pareho namin na favorite si Fr. Nene. We would listen to his radio program too, “Dialog with Father” sa I fm on our phones. Kasi ang radio naman namin naka-set na ang frequency sa RMN at wala ng galawan. Kasama na kasi sa morning ritual namin ang “Straight to the Point” ni Rod Tecson. He was my alarm clock when I was still working kasi kapag narinig ko na ang boses niya nagigising na ako. Si Crissy for sure mami-miss si R-dawn,he has a segment sa TV Patrol Iloilo na tipong Mark Logan ang style ng reporting. Kinaiinisan niya actually at lipat niya agad ang channel. Kaya pang-asar ko sa kanya was to increase the volume when I held the remote.



And I will miss our violet room...this place we rented and called home for more than two years will always be worth remembering. Dito namin talagang binuo ang mga pangarap namin bilang mag-asawa. Silent witness kumbaga ng mga ups and downs ng mga unang taon ng aming married life, hehehe. Buti na nga lang at silent kundi sinabihan na siguro kami na “crazy couple!” And indeed we are.

We did have our plans well-thought and we have prepared for these kaya it isn't really life-changing. Of course, we will always be back here from time to time since  it's his hometown. But wherever the future may take us, as long as we can be together, I see no problem with that. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento