Linggo, Setyembre 2, 2012

mga masiram kanon ngana


Nov 1, '08 4:21 AM

Siyempre Nov. 1 na naman kaya ang sarap isipin mga pagkain , more particularly mga kakanin na uso sa araw na ito. At kung sa kakanin lang naman hindi magpapahuli ang Bicol. Lalo na sa amin na ipinanganak sa rural barangay, nakalakhan na namin ang samu't-saring kakanin. Hindi ko alam kung totoo din ito sa ibang parte ng Albay pero sa Anislag, pinaka-espesyal ang “binutong”kapag “tigkaralagan”. At may variants din ito, either na 'ung lutong asin or asukal. Personally I would prefer the luto sa asin tapos ididikdik na lang sa asukal kapag luto na.

A week before All Souls Day napapanaginipan ko na ang “balisongsong”. While we were growing up, eto 'ung pinaka-common, as in parang the cheapest kind pero lately parang bihira na gumagawa kaya siguro nakaka-miss na din. It's been ages ng last ko na matikman 'to. Ito 'yong kakanin na gawa sa giniling na bigas tapos may mga “lukaron” na kasama. Ewan kung ano nga ba 'ung term ng “lukaron' sa tagalog. “ung medyo mas mature sa buko. Either na gawa din sa rice or cassava. Although kapag may okasyon, mas ginagamit ang rice at 'ung gawa sa cassava kapag pangaraw-araw na meryenda. Next in line ang “ibus”. Pero heto, kahit dito sa Iloilo meron naman kaya lagi ko pa rin nakakain. At siyempre ang “suman”. Iyon na lang ang favorite na ipagawa ni Mommy kapag may okasyon sa bahay. Not necessarily pang-handa, kundi pang-take home ng mga bisita. Siyempre uso pa rin sa Bicol na if ever may dadalo sainyo, dapat may padala ka kahit papano.

Namimiss ko na din ang “atay-atay”. Ironically walang sahog na atay 'to. Noon ginagawa ito gamit ang yellow corn flour. Nauso ang flour na 'ito sa amin kasi 'yon ang pinamimigay sa feeding program ng parish. Sa Canada 'ata nanggagaling if i'm not mistaken. Iyon kasi ang pinaka-luto lang no'n. Sa sobrang nakakaumay na, nakaimbento pa ang tatay ko ng “atay-atay” na may tsokolate. After na matigil na ang supply ng yellow corn, parang wala na rin gumagawa kaya di na rin naabutan ng mga pamangkin ko.

Nasa Manila na ako ng madiscover ko na ang bibingka pala gawa talaga sa bigas. And I wondered kung bakit sarap na sarap sila sa ganon. Ang alam ko lang kasi na bibingka noon ay 'ung gawa sa cassava at para sa akin di hamak na mas masarap talaga kaysa 'ung bibingka na sinasabi nila. Well, meron kami simbang-gabi sa Anislag pero hindi uso ang mga nagtitinda ng kakanin sa labas ng simbahan. At least, pagsisimba talaga ang sadya at hindi 'ung bibingka.

Paborito ko din meryenda noon ang “bayokbok” pero pambihira na lang din makita ngayon. Ito 'ung binilog na cassava din tapos pinagulong sa tinutong na corn flour. Siyempre sa mga tambay sa amin, noong hindi pa uso ang soap opera days na hindi mo kailangan naka-glue sa TV kung gabi, past time nila ang “nilubak”. 'Yong nilupak sa Tagalog. Minsan nagkakawalaan pa ang mga saging kung mapag-tripan nila. Nariyan din ang “biniribid” pero ito madami pa naglalako sa ngayon.

Winner din sa akin ang “olog-olog”. Gawa din sa cassava na at may sabaw na parang ginataan din. Counterpart nito ang “paladusdos”na gawa sa bigas pero mas gusto ko pa din ang lasa ng “olog-olog”.Of course ever part ng buhay Bikol ang “pinakro”. From bigas, kamote, kamoteng-kahoy, saging, name it, kahit ano na lang 'ata na puwede malagyan ng gata puwede. Espesyal kina Mommy ang “pinakro” kasi iyon daw una nilang kinain ng magsarili sila. Meron din pala 'ung “kamiging”, di ko lang alam kung ano ba sa English 'yon. Tapos very special din 'ung “tinultog na galyang”. Hindi ko alam kung may nag-iexist pa na tanim na ganito. In fact, di ko nga rin alam itsura ng tanim, ang alam ko lang noon galing sa bundok tapos si 'Ta Yano lagi may dala. Ito 'ung meryenda kapag Good Friday bago magprusisyon kina Mimi. Di ko din alam kung na-carry nila ang tradition na'yon.

How can I forget “linukay”, sa dami kasi ng binanggit ko, besides sa “pinakro” ito lang ang kayang-kaya ko lutuin. Hmmm, imagining lang na kainin ang mga 'to. medyo ipinanganak ako na mahina ang tiyan kaya hinay-hinay lang sa mga kakanin.
JUST A NOTE: we went to Anilao today at nakatikim me "linukay", but sa sobrng init sa labas halo-halo ang hinanap ko. Parang iyon na 'ata pinkamasarap na halo-halo na nakain sa sobrang gustong-gsto ko na kumain ng malamig. We had one at Lorlenes in Pototan.

       Bakit nga kaya pala 'yong "pamahaw" dito ay merienda while sa Bicol it's breakfast. Sabagay sa layo ng Iloilo sa Bicol ung breakfast naging merienda na,hehehe.

COMMENTS IN MULTIPLY....

leoalen
leoalen wrote on Nov 2, '08
Hi po ...

Mabalos po sa maray Ms. Risha for this mouth-watering, memory-stimulating blog about the All Souls Day (Undas) foods in Bicol...

Reading this brings memories of food during the Fiesta sa mga Kalag...

Let me also share another food prepared in our place. Do you know MANDUYA? its the manila "maruya" made of rice flour, egg, baking powder and flavoring. Hindi nawawala ang manduya pag Fiesta sa mga kalag sa Nabua, Camarines Sur. When I was young and new in Bicol, i call them Taenga (ear) hehe..

Just now, an officemate brought balisongsong from Bicol...

I also remember that yellow corn. I loved it just sinangag.

That "gallang"... similar to big gabi leaves... but that's the biggest leaf you could ever see... gosh I never thought it can be cooked ... gotta try that ...

rishaporras
rishaporras wrote on Nov 5, '08
tnx for taking time to read. Ang alam ko na maruya sa amin is "sinapot". yah, i remember na puwede nga rin pla isangag ang yellow corn na parang polvoron na ang labas. wow at least may idea na ako na parang kapatid pala ng gabi ang "gallang". it's super sarap pero tiyaga tlga sa pag-prepare.

leoalen
leoalen wrote on Nov 5, '08, edited on Nov 5, '08
wow... yeah sinapot is called "baduya" in other parts of Bicol. Maruya is actually a Tagalog term. In Rinconada area in Cam Sur, the Tagalog maruya is called MANDUYA... amazing din Bicol languages ano?

rishaporras
rishaporras wrote on Nov 7, '08
yeah very true. me myself, i couldn't even speak Bicol Albayanon, kasi may dialect din ang Daraga na kaiba sa Legazpi even if adjacent lang sila.

netner wrote on Feb 28, '11
wow! lahat ng nabanggit mong kakanin kakain nakain ako nyan bikolana ka talaga!! ano palan ang likukay?? liniswag garo yan??? miss ko na magkakan kang mga native foods maski magabat s

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento