Biyernes, Agosto 31, 2012

an open letter to my future husband


Hindi ko pa man alam kung sino ka, palagi ka ng laman ng aking isipan…ano nga kaya ang hitsura mo? Guwapo, matangkad, kayumanggi? Doktor ka kaya, arkitekto, inhenyero o ano? Ewan ko…kung sino ka o anuman ang kaanyuan mo ay hindi na masyadong mahalaga sa akin.   Lagi kong iniisip kung paano kaya tumatakbo ang buhay mo ngayon. Iyon ang mahalaga sa akin, dahil kung anong uri ng buhay mayroon ka ngayon ang magsasabi kung anong klase ka ng lalaki pagdating ng panahon…ang klase ng lalaki na pakikisamahan ko habang-buhay.
             Batid ko kung gaanong hirap ang pinagdadaanan mo ngayon para patunayan ang iyong tunay na pagkalalaki. Marami na akong nabasa ukol samga lalaking ginagawang batayan ng pagkalalaki ang kahusayan sa isports, tulin ng pagmamaneho , pag-inom ng alak at paninigarilyo, at nakakalungkot man na isipin, ang malawak na karanasan sa ‘sex”. Hindi maabot mainitindihan ng panig naming mga babae kung bakit nagkaroon ng ganoong pananaw ang mga lalaki  na “sex” ang sukatan ng tunay na pagkalalaki. Napakababaw naman na pamantayan. Sana hindi ka isa sa kanila.
             Ang nakakatawa, kahit na sa modernong panahon na ito, karamihan sa mga lalaki ay naghahangad na magkaroon ng asawang birhen at walang karanasan. Ang isang lalaki  ay hindi natutuwa sa ideya na ang babaeng nakatakda niyang pakasalan ay dumaan na sa kamay ng iba. Isang malaking sugat iyon sa pinakaiingat-ingatan nilang “pride”. Madalas sentro ng malalaswang usapan sa mga inuman ang mga babaeng kanila ng natikman. Ngunit iyon ay hanggang doon na lamang. Ang mga ganoong tipo ng babae ay hindi pa rin nila ninais pakasalan. Mas pipiliin pa rin nilang ihatid sa altar ang babaeng hindi pa gumawa ng hindi dapat, isang babae na naniniwala sa kasagraduhan ng “sex” na nangangahulugan ng pag-ibig at kailanman…isang babaeng katulad ko.
             Subalit hindi ko papangarapin ang magkaroon ng asawang ganoon…isang lalaki na gustong magkaroon ng asawang birhen ngunit walang pakundangang inaangkin ang kabirhenan ng ibat-ibang babae para patunayan ang kanyang pagkalalaki. Sa aking paningin hindi siya tunay na lalaki… siya ay walang pinag-iba sa isang taong makasarili na linalamon ng insekuridad at hindi pag-ibig. Nakakaawa siya. Hindi ako intresado sa mga tulad niya.
             Kailangan ko ang iyong pagrespeto  sa iyong sekswalidad gaya ng gaano ko nirerespeto ang sa akin. Kailangan kita bilang lalaking totoo, may paninindigan, may takot sa Diyos at marunong magmahal. Dahil alam kong ang kakayahang magmahal ay ang kakayahang magpahalaga sa ibang tao tulad ng sa sarili. At higit sa lahat sana, huwag mong hayaang alipinin ka ng makamundong pagnanasa.
             Sana magkaroon ka ng kakayahang tumanggi sa mga nagkalat na tukso sa paligid. Hindi ko hangad na pakasalan ang isang lalaki na ni hindi kayang tumanggi sa kaway ng pagnanasa. Ang mga ganoong tipo ay malamang sa hindi na hindi magiging mabuting asawa. Marami na akong narinig na kuwento ukol sa mga babaeng asawa na linulukob ng alalahanin tuwing mawawalay sa paningin ang kanilang mister. Ayoko ng ganoon.
             Anong matrimonyo ang nagbuklod sa amin kung ni hindi ko kayang pagkatiwalaan ang lalaking sinanglaan ko ng dangal at pangalan sa tuwing hahakbang siya palabas ng bahay? Hindi ko nakikini-kinita ang aking sarili sa ganoong sitwasyon. Ibig kong ibigay ang aking lubos na pagtitiwala sa lalaking mamahalin ko habambuhay. At wala rin akong hihilingin sa kanya kundi ang ibigay sa akin ang parehong pabor dahil sinisiguro ko na wala siyang makikitang dahilan para pagdudahan ang aking katapatan.

             Ipinanganak tayo sa sosyedad na naniniwala na ang lalaki ay ang nakakataas. Masyadong pinahalagahan ng mundong ating kinalakhan ang “macho” na imahe ng mga kalalakihan. Wala akong balak na kuwestiyunin iyon. Dahil ako bilang babae ay nakahandang magpailalim sa kapangyarihan ng aking asawa. Igagalang ko ang iyong lubos na pagpapahalaga sa iyong “ego” ngunit huwag mo naman sanang gawing sangkalan iyon upang iwan ako sa balag ng alanganin kapag dumating ang sitwasyong kailangan nating mamili sa pagitan ng iyong tinatawag na “pride” at pagmamahal. Hindi ko hinihingi na pairalin mo ang iyong katigasan sa lahat ng bagay. Ibig ko na mamulat ka na tinitimbang ang tama sa mali.
             Walang problema sa akin kung mas pinipili mo na manahimik sa mga umpukan…kung piunagkakamalan ka nila na mahina dahil mas pinili mo na tahakin ang tama. Mas marami ka pang katangian na higit mo dapt pagyamanin kaysa sa kaalaman sa mga makamundong gawain. Hayaan mo sila kung anuman ang nais nila paniwalaan ukol sa iyo. May isang tao na lubos na makakaalam kung sino ka. At ako iyon.
             At kapag dumating na ang panahon ng ating pagkakakilala, huwag mo sana akong biguin. Ibig ko na makilala ka bilang isang lalaki na bumuo ng isang napakahalagang desisyon na maghintay… dahil mas naniniwala ka sa malinis na puri bilang matatag na pundasyon ng pamilya at kasal.
             Ako, bilang babae, iniwasan ko ang magkaroon ng anumang kaugnayang pisikal, hindi dahil wala ako na kakayahan na gawin ang bagay na iyon. Maniwala ka, maraming pagkakataong inakit din ako ng tukso, ngunit nanaig ang aking kagustuhang manatiling malinis para sa iyo, para sa ating magiging pamilya. Alam ko na hindi rin naging madali para saiyo ang lahat. Sana sa mga sandaling linalapitan ka ng tukso, isipin mo ako, ang iyong magiging asawa na naglaang maghintay dahil ang tunay na pag-ibig ay may kakayahang hintayin ang tamang oras para sa ganoong bagay.
             At ang lahat naman ay may magandang kapalit. Mas magiging matatag ang pundasyon ng ating pagsasama dahil nagsimula tayo sa tama. Ibig ko na ikarangal tayo ng ating  magiging anak bilang mga magulang na hindi nagpadala sa kalakaran ng sosyedad dahil mas pinahalagahan natin ang kagustuhan ng Diyos. Tiyak ko, ikaw ay magiging mabuting ama at asawa. Asahan mo ako ay walang ibang ipapanalangin kundi manatiling maayos ang ating pagsasama. Alam ko na nariyan ka para maging sandigan ko.
             Salamat sa iyong paghihintay. Pangako, wala kang pagsisisihan.

Adapted from ‘An Open Letter to My Future Husband’ by Mary Beth Bonnaci

One of my favorites in my collections of magazine articles. I had it translated and modified some ten years ago…But just to be honest, I didn’t hold on this idealism when I met the man who eventually became my husband. Well, it’s not something to be proud about, but we did cross the boundaries. Yet, I was still thankful that I did waited for the right man, and even if it wasn’t at the right time, we made sure not to add further complications. If I will be ask to give some advice for the young, I will still be firm in my belief that they should wait for the right time. I guess I would even say that they should consider a serious relationship only after college. It wouldn’t do them harm to wait until such time they are mature enough to handle a relationship. There’s no need to rush. Just enjoy the courtship, the getting to know each other stage, the holding hands, the sweet nothing’s because once you did the forbidden thing, you can no longer go back to those moments when just sitting together is more than enough.

1 komento:

  1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin