traffic siguro ngayon ang favorite word
dito...at heto ang naramdaman ko habang naiipit sa usad pagong na sasakyan sa
katanghaliang tapat...
nainis…
kung bakit kasi may mga lalaki na talagang iihi sa gilid talaga ng highway na
alam na madaming nagdaraan. At humarap pa sa isang bagong pinturang pader.
naawa…
sa isang mama na ginawang pinggan ang sahig. As in linatag ang pagkain sa
sidewalk ng walang sapin ni plastic. At buong gana pa siyang kumain ng
nakakamay. To be honest, ‘ung
parang babaliktad ang sikmura ko ang una ko na naramdaman. But after that, it
just melted my heart. Kalulu-oy gid.
natuwa…
sa isang babaeng umakyat sa jeep na naka- purple dress. Oh! I just love the
color.
nag-isip…
ano kaya ang pakiramdam ng maglakad sa initan kung mataba ako tapos
pinagpapawisan na. para siguro akong litson na nagmamantika.
nagtaka…
kung ano kaya meron sa opisinang nadaanan namin at sobrang dami lagi ng taong
nakapila. Nasa isip ko lagi na baka lending company ‘yon. Buti na lang makuwento din ang babaeng
katabi ko. Clinic pala ‘yon na
may doctor daw na libreng nanggagamot. That’s reasonable enough to fall in line patiently.
nakunsumi…
sa driver na kahit siksikan na ang jeep para pang naghihintay ng pasko kung
makapag-antay ng pasahero.
natawa…
Ang yabang niya na na lumulusot-lusot
sa traffic kasi halatang bago ang motorsiklo with matching napakalakas pa ng sound
na parang akala siguro niya mag-ienjoy mga tao sa ingay niya. Ayun! Nahulog sa
kanal. Buti nga… I’m so mean, hehe.
nairita…
‘yong
sensitive ko lang naman na pang-amoy sa lalaking sumampa na humahalimuyak sa
pabango. Well, nothing wrong with perfumes, it’s just that some don’t blend with too hot weather.
nagutom…
Kasi ala una na pala naiipit pa ako sa traffic..haay!
ano naman kaya ang mararamdaman ko
kung sa Fortuner na ako nakasakay at ipinag-dadrive pa ako ng asawa ko? sana
'ala na 'ung negative pero i will still have compassion for people .
Ei Crissy! 'ala na naman magawa si 3sha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento