Magpipitong taon na pala since
naging kami ni Crissy at ewan ko ba mas nasanay na ako nai-celebrate ‘yon kaysa
sa anniversary ng kasal namin. Kasi madalas ko na sabihin noon pa man na
itinuring ko na siyang asawa gaya ng isinulat ko sa diary ko on that day.Or
siguro dahil kailan lang naman kami ikinasal. For seven years, grateful din ako
sa dami ng blessings na dumating at sa mga munting tampuhan na napagdaanan na
namin. Dati naman hanggang sa may CCP lang namin kaya magda-date at espesyal na
‘yong kumain sa Jollibee or Chowking pagkatapos. Pambihira nga kami makapanood
ng sine, hanggang nood lang ng TV sa bahay kapag Linggo. Naalala ko pa
nga na maghahati pa kami sa isang pirasong itlog sa almusal o kaya’y nag-uulam
lang ng sotanghon na sinahugan ng sardinas.
Pero siyempre malungkot lang din
isipin na ‘yong kapalit ng kakayahan namin na maka-afford ng bahagya ay ‘yong
paghihiwalay namin. Siyempre kung may choice lang parang doon ka na sa dating
simpleng buhay pero magkasama naman kayo araw-araw. Iyon nga lang hindi puwedeng
laging ganoon na lang sa simple ang aming buhay. May mga pangarap din kami na
nais abutin. Konting tiis, konting pasensiya, darating din ang time na puwede
kami magsama for all the time we want.
Siyempre pa inabot muna ng kung
ilang taon bago kami kasi lumagay daw sa tahimik. Nagkaroon kami ng time na mas
makilala ang isat’isa at mag-mature muna on our own Seven years after,
kahit gaano na namin kakilala ang isa’t isa madalas pa din kami magkatampuhan
lalo na pareho kami na super sensitive. Good thing nga lang na kapag mag-asawa
na kayo ‘ala kayong choice kundi magbati. Di naman puwede magcool-off or basta
na lang mag-break. Wala pa kami ipon to finance an annulment,hehe. I am
confident naman na our love for each other is beyond forever. Even if nasa
kabilang panig siya ng mundo, ni minsan naman di siya nagkulang sa
pagpaparamdam of how much I am loved.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento