Lunes, Agosto 27, 2012

isang taon na pala


Isang taon na pala mula ng umpisahan ko ang kae-ek-kan ko daw na ito. Medyo madami na rin akong naisulat at naibahagi kahit hindi ko nga sigurado kung may nagbabasa nga ba ng mga pinagsusulat ko. Sabi ng mga pinsan ko at ilang kaibigan ko, minsan nadadaan din daw sila. Nakikibalita kung kumusta na ba ako dito sa malayong lugar kung saan ako ipinadpad ng tadhana.

Kahit papaano nakatulong din ang pagsusulat ko dito para kahit feeling ko man lang may kausap ako at nakikinig sa mga kuwento ko. Mahilig naman talaga ako magsulat eversince at patunay ang koleksiyon ko ng mga scrapbooks at diaries na siyang nagpapabigat ng bagahe ko tuwing lilipat ako sa ibang lugar.

Pero nitong mga nakaraang araw, at sa loob ng mga nagdaang taon, minsan winiwish ko din na sana hindi na lang pagsusulat ang hilig ko. Sana sa pagsasalita ko na lang dinadaan  anumang mga gusto kong sabihin sa buhay. Nakarating sa aking kaalaman kailan lang bagamat batid ko na rin, pero kumbaga ito sinabi straight into my face na hindi daw nila nagugustuhan ang pagiging tahimik ko. Gusto ko din magreason out na heto talaga ang totoong ako pero sa huli pinili ko ang manahimik kasi minsan mas  mabuti na lang na yumuko ka na lang at hayaan sila sa kung anuman ang nais nilang sabihin. Hindi naman ako plain deadma pero sabi nga, kung wala kang magandang sasabihin mas mabuting itikom mo na lang ang bibig mo.

Bata pa naman talaga ako nature ko na ang maging tahimik. At kakambal nito ang pagiging mahiyain. Naalala ko pa nga na sa oras ng recitation manginginig pa talaga ako o kaya kapag nabigyan naman ng pagkakataong magsalita, talagang garalgal na ang boses ko. Mas gugustuhin ko na makinig lamang at maupo sa isang tabi sa mga pagtitipon. Ngunit hindi naman ibig sabihin no’n ang kakulangan ko ng interes, manapa’y  mapagmasid lamang siguro ako.

Siguro kahit gaano pa kahaba ang ilitanya ko dito, kaya ko kayang kumbinsihin sila or am I just convincing myself na wala nga ako dapat ika-guilty kasi heto ang totooong ako? But I hope they just know that even if I seemed so distant, I have always cared and every night I never forget to include them in my prayers. I wanted to write and shout to the world that it just pains me when the people I expected to have accepted me for what I am chose to find fault in my every move. But it is their own opinion and I got so much respect for them to cry foul. Hindi man sa ngayon pero darating din ang time na matatanggap din nila kung anuman ako. Sa muli, wala akong magagawa kundi ang mag-antay.

Ang layo ng inabot ng drama ko ah! Crissy, nagapangayo gid ako sa liwat sang gamay pa na pag-intiende. HALONG GID KAMO TANAN…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento